Mga Gabay Pang-iwas sa COVID-19

Medical DoctorNurseWear MaskWear Mask in public Places

Mga pag-iingat na kailangang gawin upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon

Upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng kakaibang Coronavirus na ito, mangyaring sundin ang mga sumusunod na gabay kapag dumadalo sa mga pagdiriwang at kumakain nang sabay-sabay.
Stay Home
Kung hindi maganda ang pakiramdam mo, huwag dumalo sa mga kaganapan at iwasan ang pagkain nang sabay-sabay.

Iwasan ang paglahok sa mga kaganapan at pagkain sa mga lugar kung saan ang mga kondisyon ay may katulad sa saradong espasyo, dikit-dikit ang mga tao at malalapit sa isa't-isa, o sa kung saan ang mga pangunahing pag-iwas sa impeksyon ay hindi lubusang ipinatupad.
Lalong-lalo na, iwasang makilahok sa mga pagdiriwang o pagtitipon na may maraming tao at may ugaling magiging malakas ang boses habang nakikipag-usap sa iba.

Kapag lalahok sa mga pagdiriwang na ito at may pagkakataong sama-samang kakain, siguraduhin na may angkop na pag-iingat laban sa impeksyon ang pinatutupad, tulad ng pagpapanatili ng angkop na distansya mula sa ibang tao, pagninilay sa iyong mga kamay at daliri, pagsusuot ng face masks, at pagpigil na makipag-usap nang malakas ang boses.

Iwasan, hangga't maaari, ang paglahok sa mga kaganapan sa lansangan o sa mga restawran na kinapapalooban ng maramihang pag-inom ng alak o pag-inom tuwing malalim na ang gabi, habang isinasaalang-alang ang mga relihiyon at kultural na katangian ng gayong mga kaganapan.

Pwedeng mag-isip ng mga bagong paraan para matamasa ang kasiyahan para sa sarili, tulad ng pag-uukol ng panahon sa inyong pamilya o pakikibahagi sa mga online na kaganapan, depende sa inyong mga pangangailangan.
Feeling Sick
Kung ikaw ay may hinala na ikaw ay nahawaan ng impeksyon sa makabagong Coronavirus na ito at may mga tanong tungkol sa pagtanggap ng medikal na pagsusuri, atbp., mangyaring tawagan ang sangay pangkonsulta ng lokal na pamahalaan malapit sa lugar na tinitirhan mo.
Call
Serbisyong Pangkonsulta sa Pamamagitan ng Telepono mula sa Ministry of Health, Labor and Welfare (para sa mga tanong tungkol sa mga pandemya at pangkalahatang impormasyon)
Telepono: 
0120-565-653
Alas 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon
3-14-7 NARUTAKI, NAGASAKI, JAPAN, 850-0011
chevron-down-circle