Sunog / Ambulansya / Pulis

(Mayroong tulong na mabibigay gamit ang mga wikang Ingles, Chinese, Korean, Espanyol, Portuges)
Ang pagtawag ay libre, kabilang na ang mula sa mga pampublikong telepono at cell phone.

sunog

Call
119
I-alerto ang mga tao sa lugar, tumawag sa 119, ipaalam na may sunog at ibigay ang lokasyon.

Kapag may sugat/pinsala/sakit

Call
119
Tumawag ng ambulansya kapag nagkasugat o pinsala o biglaang nagkasakit.
Tumawag sa 119 at magbigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa pinsala o karamdaman.

Kailan tatawag ng ambulansya:

*Walang bayad sa pagtawag ng ambulansya.
Subalit, ang ambulansya ay maaaring hindi magamit para sa hindi malubhang pinsala o karamdaman.

Kapag may aksidente/krimen:

Pulis

Call
110
Ang mga tawag ay libre, kabilang na ang mula sa mga pampublikong telepono at cell phone.
Kalmadong ibigay ang sumusunod na mga impormasyon: ang oras, lugar, kasalukuyang sitwasyon, kung may sinumang nasugatan, at ang iyong pangalan.

May tumatagas na gaas

Call095-824-0919
Ang mga tumatagas na gaas at sirang tubo ng gaas ay maaaring maging sanhi ng apoy at aksidente.
Tawagan agad ang hotline para sa tumatagas na gaas (natural na gaas). (Saibu Gas Nagasaki Branch)

Ibigay ang iyong lokasyon at pangalan, at ipaliwanag ang sitwasyon.

*Kung ikaw ay nakapansin ng may tumatagas na gaas, kailangan mong buksan ang mga bintana at pintuan upang mahanginan ang kuwarto. Subalit,
huwag buksan ang anumang bentilador o ilaw dahil ito ay maaaring maging sanhi ng apoy.
3-14-7 NARUTAKI, NAGASAKI, JAPAN, 850-0011
chevron-down-circle